BITTERSWEET ang feeling ni Glaiza de Castro ngayong patapos na ang Encantadia.
First time niya ito na umabot ng halos isang taon ang kanyang teleserye.
Usually kasi ay 3 months lang ang mga series niya, so hindi niya na-imagine na aabutin ng ganu’n katagal (10 months) ang Enca.
Ang dami niyang na-experience dito na hindi niya naranasan sa past shows niya.
As as artist, masasabi niyang nag-grow siya rito dahil hindi lang basta drama ang Enca.
Ani Glaiza, lahat ng preparations nila ay worth it. Para silang ga-graduate ngayon to another level.
Ganu’n ‘yung feeling niya.
“Sabi nga ni Direk Mark (Reyes), it’s a show that’s hard to let go,” sey ni Glaiza, kaya lahat sila ay nase-SEPANX.
In fairness ay bumobongga ang AzPiren loveteam nina Sang’gre Pirena (Glaiza) at Azulan (Marx Topacio).
Pero magbabalik ang kawal ng Lireo na si Gamyel (Ken Punzalan), ang totoong ama ni Mira (Kate Valdez).
Mukhang hindi lang luma-loveteam si Pirena… luma-love triangle pa.
After Encantadia ay gustong mag-focus ni Glaiza sa una niyang mahal, ang pagkanta.
May bago siyang album na puro Tagalog. Sinta ang pamagat ng bago niyang single.
Dream ni Glaiza na mai-share ang music niya all over the world.
Sa Korea ang next biyahe niya. Pangarap niyang maging part ng isang international musicfest at i-represent ang talento ng Pilipinas.