PARA mapaganda ang telefantasyang Encantadia, maraming hirap ang pinagdaraanan ni Glaiza de Castro para magampanan nang maayos ang karakter ni Sang’gre Pirena.

Bago pa magsimula ang Encantadia ay todo na ang kanyang physical trainings bilang paghahanda sa kanyang fight scenes.

“Oo eh, ‘di puwedeng walang workout. Sa totoo lang, ito ‘yung first time ko na ginawa ko siya nang tuluy-tuloy.”

“Hirap na hirap talaga ako. Dumating ako sa point na naiyak na ‘ko sa trainings sa sob­rang hirap,” pahayag ni Glaiza.