Glaiza, lalong minahal si Pirena

Glaiza De Castro

SA paglalim ng istorya ng telefantasyang Encantadia, patuloy na nahuhulog ang loob ni Glaiza de Castro sa kanyang role bilang Pirena.

Ayon sa mahusay na aktres, kahit siya ay nagugulat kapag matagumpay siyang nakakatapos ng isang eksena.

Paliwanag ni Glaiza, “Mas minamahal ko si Pirena everytime na may nangyaya­ring tagumpay.

“Pinupuri ko talaga si Pirena na since matagal niyang pinagpaplanuhan ‘yung mga gagawin niya.

“So ako, nagugulat and at the same time natu­tuwa dahil naging effective ‘yung pagpapaawa ko sa mga kapatid ko.

“Tsaka ang challenge nu’n kay Pirena is kung hanggang saan niya kaya panindigan ‘yun at kung hanggang kailan.

“Kasi, meron pa siyang ibang mga motibo na gagawin pa, eh.”