Glaiza, may fan meet para sa cancer ward

KUNG sa Encantadia ay sukdulan ang kabuktutan ni Glaiza de Castro bilang Pirena, kabaliktaran ito sa tunay na buhay.

Kamakailan lang ay nagsagawa siya ng Fun Run event para maka­tulong sa mga nanga­ngailangang bata sa Valenzuela.

At sa darating na October 22, mapapanood ng fans si Glaiza sa isang charity showcase at fan meet.

Ayon kay Glaiza, mapupunta ang kiki­tain ng nasabing event sa PGH Pediatric Cancer Ward.