Glaiza, pinarangalan sa hometown

glaiza-de-castro

NAGPASALAMAT si Glaiza de Castro sa mga bumubuo ng Gawad Dr. Pio Valenzuela Committee na nagbigay sa kanya ng parangal sa ika-148 anibersaryo nito.

View this post on Instagram

Madalas kong gamitin ang salitang "suryal" dahil ganun naman talaga ang madalas na nangyayari sa akin. Isang malaking karangalan na mabigyan ng isang mataas na parangal at pagkilala sa larangan ng sining-biswal at pantanghalan ng lunsod kung saan ako isinilang at lumaki. Naghanda ako ng speech kanina sa sobrang nerbyos. Ito ang excerpt: Ngayong araw na ito, napagtanto ko na ang ibinigay sa ating mga parangal ay hindi para sa katanyagan, respeto ng ibang tao o anumang dahilan. Ito ay paalala na kahit paano, may nagawa tayong kabutihan hindi lang para sa ating mga sarili kundi para sa iba. At yun ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan kung bakit tayo nagpapatuloy. Ang makatulong sa anumang kaparaanan. Dahil ang totoong tagumpay ay hindi sinasarili at pinagtatalunan. Nagpapasalamat ako kabilang ang mga nandito ngayon, sa lahat ng bumubuo ng 15th Gawad Dr. Pio Valenzuela Committee sa pagbibigay halaga sa aming propesyon. Hindi lang ito karangalan kundi inspirasyon sa pagpapatuloy ng paggawa ng tama na sinimulan ng ating nakalipas na henerasyon. To God be the glory at mabuhay po tayong lahat. 📸 @fatima_zarina

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Namukod-tangi kasi ang Kapuso star sa mga kasabayan niyang artista dahil sa pagpapakita nito ng kahusayan sa larangan ng sining-biswal at pantanghalan.

Madamdamin ang pasasalamat na ipinost ni Glaiza sa Instagram account dahil isang karangalan para sa kanya ang kilalanin ng lungsod kung saan siya lumaki.

Kitang-kita sa Kapuso star ang pagpapahala­ga sa trabaho kaya deserve niya ang ganitong recognition.

Congrats, Glaiza!