MAY na-meet na Korean boylet si Glaiza de Castro sa recent trip niya sa Korea.

Nakyutan kami sa pic nilang dalawa na pinost nu’ng binatang Koreano sa Instagram at tila cozy silang da­lawa.

https://www.instagram.com/p/BVUX-KYjm7g/?taken-by=zillion_dollar_baby

“Bagets pa ‘yon!” ang natatawang reaksyon ni Glaiza nang usisain namin siya tungkol dito.

Hanjun ang name nu’ng Korean guy, na mukhang bagets pero 26-anyos na pala (29-anyos si Glaiza).

Nasa military ito ngayon, pero nang malaman na nandu’n sa Seoul si Glaiza ay naki­pagkita ito sa kanya.

Buti na lang ay meron itong leave mula sa military duty nito.

Last year sila unang nag-meet ni Hanjun dahil may syinut doon na project ang isang friend ni Glaiza at isinama siya nito sa Korea.

Nakaeksena niya sa project na ‘yon si Hanjun at mula noon ay nagmi-message na sila at nag-follow-han sa IG.

Tila may kilig ang pic nila together na, “The moment I met you,” ang caption ni Hanjun na ‘Zillion Dollar Baby’ ang IG handle.

Music producer, rapper at model doon ang nasabing binata na in fairness ay may dating.

Lumabas sila kasama ang brother ni Glaiza si Alchris Galura.

Tsika sa amin ng Kapuso actress, gustong bumisita rito sa ‘Pinas ni Hanjun, pero ang sabi niya rito ay after na lang ng military service nito dahil 2 years ‘yon.

Aminado si Glaiza na cute at matangkad si Hanjun, pero hindi niya alam kung bet siyang ligawan nito or what.

Basta ang alam niya ay kaka-break lang nito sa girlfriend.

So, puwede?

“Puwede naman. Kasi, pleasing naman ang personality niya, into music at saka magaling siyang mag-rap,” nakangi­ting pakli ni Glaiza, na sobrang hilig sa K-Pop at anything Korean.

Aniya, marunong mag-English si Hanjun.

Parang gusto niya pa itong tulungan na mag-showbiz dito kung type ng Koreanong binata.