MALAPIT nang pumasok si Glaiza de Castro bilang Sang’gre Pirena sa Kapuso telefantasyang Mulawin vs. Ravena.
Aniya, “Bilang Pirena, na-excite ako ulit lumaban. Na-excite ako kasi ang dami kong mga kaibigan doon, eh — si Chynna (Ortaleza), si Dennis (Trillo), si Bea (Binene) at si Derrick (Monasterio).”
Makakasama ni Pirena sa Mulawin vs. Ravena ang pamangkin sa Encantadia na si Lira (Mikee Quintos).
Pasabog!
***
Marami ang mai-inspire sa kwento ng Dear Uge ngayong Linggo, pagkatapos ng Sunday PinaSaya sa GMA 7.
Sa episode na pinamagatang ‘Classmate ko si Mommy,’ tampok ang kwento ng cheerleader na si Yanna (Inah de Belen) kung saan magiging kaklase niya ang kanyang ina (Janice de Belen).
***
Mapapanood ang Upsurge concert in Alden Richards ngayong Linggo sa Sunday Night Box Office (SNBO), after ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.
Ibinigay ng Pambansang Bae sa GMA Kapuso Foundation ang parte ng kinita niya rito.
Ito ay upang makatulong sa pagpapagawa ng tulay para sa mga estudyanteng tumatawid sa lubid para makapasok sa school.