Pasabog ang kaseksihan nina Glaiza de Castro at Sheena Halili.

Parehong masaya ang love life nila. Nakahanda na ang kasal ni Sheena sa kanyang lawyer BF na si Jeron Uy Manzanero.

May paandar din ang kanilang prenup video na Korean drama ang tema.

Kahapon may post si Sheena sa kanyang Facebook account para sa kanilang monthsary: “Sa pogi kong kakampi, funny kong bestfriend, sa matapang kong lawyer, sa mabait na City Admin ng Pasig, at sa baby kong masarap bwisiten lalo na pag tulog! HAPPY MANZHALI! Labyu! Jeron Uy Manzanero.

“Proud na proud ako sayo dahil sa sobrang busy mo na babalanse mo parin ang oras mo sa aming lahat. (emoticon) family, me, friends, events, work, meetings sa family and friends & me again! At naibibigay mo rin ang BEST mo sa lahat! Magaling na bata!”

Si Glaiza naman, hindi pa handa sa marriage proposal ng kanyang banyagang boyfriend na si David Rainey. Kasama niya ito sa Luna Awards Nominees Night na handog ng FDCP. Nominadong best actress si Glaiza sa pelikulang “Liway”.

“Proposal talaga? Hindi pa po ako ready, matagal pa ‘yan. Kumbaga, nag-i-enjoy lang kami kung ano ang nangyayari,” pakli niya.

So, mga ilang taon pa?

“40 years,” pabiro niyang sagot na tumatawa.

Talbog!

Jiro inalay kay Kuya Germs ang concert

Huhusgahan ngayong gabi, November 22 ang Bidaman na si Jiro Custodio para sa kanyang first major concert entitled “The Greatest Show”. Gaganapin ito sa Cuneta Astrodome, 7PM.

Marami ang nagtatanong kung may ‘K’ na ba si Jiro na mag-concert sa ganitong kalaking venue.

“Ang iniisip ko po ay makapagpasaya ng tao,” deklara niya.

Keber niya sa mga basher. Basta iniisip na lang niya ang kanyang beneficiary ay ang mga batang may kanser at street children ng Pasay na makikinabang sa kikitain nito.

Bukod dito, inihahandog niya ang concert na ito sa yumaong German Moreno. Naging produkto rin kasi si Jiro ng “Master Showman”. Si Kuya Germs ang unang nagbigay sa kanya ng break kaya malaki ang pasasalamat niya sa naging tatay-tatayan niya sa showbiz.

Guest ni Jiro sa “The Greatest Show” sina Dulce, Bugoy Cariño, AC Bonifacio, Jervy delos Reyes, Maria Loroco, Archie Aguilar, Khimo Gumatay, Voice Camp Philippines, Eris Aragoxa, Jay Dizon, Chloe Redondo, JC del Rosario, Twain Tuazon, Egielyn Fernandez, Dan Delgado, Madonna Decena, Jhunjie Dosdos, Mojack Perez, Yuki Sakamoto, Christian Rebada, Benedict Dural at Marika Sasaki.

Prodyus ito nina Sho Hamazaki, Nagaharu Fuiwara, Mario Marcos at John Cortez. Ito ay sa direksyon nina Jaysar Lorayna at Benedict Borja.