Busy sa finale ng kanyang serye si Andrea Brillantes kaya wala siya sa Brilliant Ball 2020. Si Andrea ay first brand endorser ng Brilliant Skin Essentials.

Gayunpaman, gabi ng CEO ng kompanya na si Madam Glenda ang naturang okasyon dahil ipinakilala siya bilang bagong mukha ng Brilliant .

Actually hilig noon ni Madam Glenda na mag-artista. Sinubukan niyang pumila at mag-audition sa PBB . Aminado rin siyang sumama ang loob niya nang hindi makapasok sa bahay ni Kuya.

Pero ngayon ay isa na siyang matagumpay na negosyante. Siya na rin ang makikita sa mga billboard ng Brilliant.

Samantala, matagumpay na nairaos ang formal na Brilliant Ball 2020. Nakalatag ang mahabang pink carpet para daanan ng mga bisita. Pinuno ng kulang-kulang na 800 people ang F3 and F4 ng SMX sa MOA.

Sa totoo lang ay nag-transform ang SMX Convention Center function rooms sa isang nangingintab na ballroom na puno ng crystals and flowers na sakto para sa mga Brilliant Royalties. Sila ang mga leaders at living testament na nagbago ang kanilang buhay dahil sa monetary blessing ng kompanya.

Bukod sa kinilala ng management ang mga Brilliant Royalties, through raffle ay namigay pa ang management ng kotse, cash gift and travel icentives para sa mga attendees.

Isa sa mga highlight of the night ay ang announcement ng collaboration ng Brilliant Skin at ng Ever Bilena, a legend in the field of cosmetics. (Roldan Castro)