STANDINGS
TEAMS W L
San Miguel 4 1
GlobalPort 3 1
Blackwater 3 2
TNT 3 2
Star 3 2
Rain or Shine 3 2
Alaska 3 2
Meralco 2 2
Ginebra 2 3
Phoenix 2 3
NLEX 1 4
Mahindra 0 5
Games ngayon: (The Arena, San Juan City)
4:15 p.m. — Meralco vs. Phoenix Petroleum
7:00 p.m. — GlobalPort vs. Blackwater
Ang diskarteng nagpalango sa Ginebra noong Biyernes ang muling ilalatag ng GlobalPort sa misyong maiunat pa ang winning streak at buhulan sa tuktok ang defending two-time champion San Miguel mamaya.
Nakahambalang sa seven nightcap sa second-running GP (3-1) ang nasa quintuple-tie sa third na Blackwater (3-2) sa pagdayo ng 2016-17 PBA Philippine Cup eliminations sa The Arena sa San Juan City
“We will be playing a vastly improved team so it’s important for us to have a good start and continue trying to hold down our opponent,” ani Batang Pier coach Franz Pumaren sa nagklik na diniskarte rin sa Gin Kings tapos umabante ng 18 at pinagpag ang late endgame rally nito.
Sa 4:15 ng hapon, maggagarotehan ang nasa eight spot na Meralco (2-2) at ninth spot na Phoenix Petroleum (2-3) na mga eeskapo sa kamalasan.
Malamang umarya ulit sa Batang Pier si Terrence Romeo na nanalanta ng conference-best 35 points bukod sa inayudang 15 ni JR Quinahan, 12 ni Stanley Pringle at 10 pts. ni Nino Canaleta.
Pero hindi dapat ismolin nito ang Elite na may maangas na best franchise start sa isang conference at ang pinakabagong sinalya ay ang NLEX sa nakalipas na Biyernes, 96-85.
Babawi naman ang Meralco mula sa 81-79 defeat sa Alaska isang linggo na ang nakararaan at ang Fuel Masters ay sa kambal na pagkaligwak kabilang ang mga kamay ng TNT KaTropa, 117-98.
“At 2-2 we are almost in must win situation.”