Sumirit ang mobile data traffic ng Globe Telecom ng 59% sa 956 petabytes noong 2018 mula sa 600 petabytes noong 2017, na pinag-alab ng mas maraming custo­mer na nag-i-stream ng mga video sa kanilang mga smartphone at tablet.

Upang suportahan ang luma­laking pangangailangan para sa mas maraming bandwidth, patuloy na pinalalakas ng Globe ang network capa­cities nito upang maiangat ang kalidad ng eksperyensya ng mga customer nito.

“Almost 60% of our mobile data traffic is generally co­ming from video streaming. The dominance of video consumption over our mobile data traffic makes it a prime service for our customers. The surge of traffic in our network is a testament to the trust and confidence of our customers in providing them an overall mobile internet experience,” wika ni Gil Genio, Globe Chief Technology and Information Officer.

Para patuloy na mapagbuti ang overall quality ng eksper­yensya ng mga customer nito, regular na sinusubok ng Globe hindi lamang ang raw speed kundi ang overall quality ng eksperyensya.

Sa datos ng Globe, ang bilang ng YouTube videos na nakatugon sa 360p resolution ay tumaas sa 77% noong December 2018 mula sa 69% noong May 2018. Ang pagtaas na ito ay naitala sa harap ng patuloy na pagdami ng LTE cells ng Globe Telecom sa 81,210 noong December 2018, mula sa 58,482 noong January 2018.