Dahil hindi naman ­nakapagbibigay ng tamang serbisyo sa mga subscribers, nais ng House Minority Bloc na ipawalang ­saysay na ng Kongreso ang prangkisa ng mga telecommunications companies partikular ang Smart at Globe.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni House Minority Leader­ Danilo Suarez na nakakairita na ang serbisyo ng Smart and Globe dahil kung susumahin umano ay puro kita na lamang ang kinukuha ng telecoms kaya lumawak na ang mga negosyo nito na ang ilan ay nasa real estate, maging sa tubig at transportation.

“They make money because of incompetence, that’s a sin,” ani Suarez.

Giit naman ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na nakapagtatakang nabigyan muli ng prangkisa ang Smart at Globe gayong hindi naman nag-improve ang serbisyo ­nito at hindi pa rin natutugunan ang hinaing ng mga consumers gaya ng drop calls at mahinang signal.

Para kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, panahon na para buksan sa ibang players ang telecommunications sa bansa. Kung mayroon umanong third player ay tiyak na aayu­sin ang serbisyo pero kung hindi pa rin ay mainam na alisan na lamang ng prangkisa ang Globe at Smart at humanap ng mas magandang kumpanya.

Ayon kay Suarez dahil sa poor internet ay umaabot na sa P76 bilyon ang nawawalang kita kada taon sa mahinang productivity ng mga industriya na nakadepende sa internet gaya na lamang sa BPO industry.

5 Responses

  1. this will be the last time that we will hear this issue, promise… these two giant TELCOs will make sure of that… how many times this issue was brought up in congress and even in senate, me nangyari ba? at yong gov’t ageny that’s supposed to monitor these TELCOs, anong ginagawa nila? daming relklamo ng consumers pero waley…

  2. suarez, submit your full report tomorrow morning on my desk and I will take it from there. this government is very keen in talking and their action is nowhere to be found. what is this, follow the leader?

  3. TANGGALAN NA NG PRANGKISA ANG SMART AT GLOBE ANG TAGAL NG TUMATABO NG PERA ANG 2 TELECOMMUNICATIONS CO.NATO: MABAGAL AT MAHAL NA INTERNET NILA NINANAKAW PA ANG LOAD NG MGA CONSUMERSpAYAGAN NA ANG MGA FOREIGEN TELECOMMUNICATION COMPANIES PARA ME PAGPIPILIAN AT MAMUMURA BAYAD SA SERVICES NG INTERNET AT PHONE CONNECTIONS.

    1. sure ako, eto ang perfect solusyon sa problema na yan!
      it all boils down to corruption.. kya ganyan.
      dapat noon pa.. lintek, nakapagpapainit ng bayag eh!