Gloria ayaw magpasilip ng yaman

Pahirapan na ang pagkuha ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bawat miyembro ng Kamara simula sa Pebrero.

 

Dadaan na kasi sa butas ng karayom bago makakuha ng nasabing dokumento matapos pagtibayin ng Kamara ang House Resolution No. 2467 upang maitakda ang bagong guideline sa paglalabas ng kopya ng SALN.
Sa bagong guideline, ang bubuuing SALN Review and Compliance Committee ang magdedesisyon kung ang request sa kopya ng SALN ay balido o hindi.

 

 

“Access to copies of the SALNs of House members by the public shall also be approved by a majority of the House in plenary session; and undertake a continuing review and rationalization of these rules.” ayon pa sa resolusyon.

 

 

Ang panukala ay itinulak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Majority Leader Fredenil Castro pero sinubukan din umano itong isulong nina dating Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas.
Sinumang gustong humingi ng kopya ng SALN ng mga kongresista ay kaila­ngang mag-file ng request sa Office of the Secretary General gamit ang official request form.