Tuluyan nang inabsuwelto ng Sandiganba­yan sa kinasangkutang kasong katiwalian sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, mister nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo at dating Commission on Election (COMELEC) chairman Benjamin Abalos kaugnay sa maano­malyang transaksyon sa ZTE-NBN broadband deal scam.

“Wherefore, consi­dered in its entirely, the evidence adduced by the prosecution in Criminal Case No, SB-11-CRM-0468 for violation of Section 3(i) RA No.3019 and in Criminal Case No.SB-11-CRM-0469 for violation of Section 7(d), RA No. 6713 did NOT SUFFICIENTLY prove the guilt of accused Ma. Gloria M. Macapagal-Arroyo and this court GRANTS Accused’s Demurrer to Evidence. This case are then Dismissed,” bahagi ng resolution na inilabas ng Sandiganbayan Fourth Division.

“Wherefore, the Demurers to Evidence of accused Gloria Macapagal Arroyo, Jose Miguel Arroyo and Benjamin Abalos Sr., are GRANTED. This Case is then Dismissed against all accused,” bahagi pa ng re­solusyon.

Una nang kinatigan ng korte ang demurrer of evi­dence ng kapwa akusado nina Arroyo na si da­ting National Economic Development Authority (NEDA) chief Romulo Neri kamakalawa.

Ang mga nabanggit ay pawang kinasuhan ng Office of the Ombudsman noong 2010 kaugnay ng maanomalyang ZTE-NBN deal noong 2007 habang si Arroyo ang pangulo ng bansa.

Nagsilbing panganunahing saksi sa nasabing anomalya si Rodolfo ‘Jun’ Lozada na nasentensyahan naman sa kasong katiwalian matapos mapatunayang guilty sa pagbibigay umano ng pabor sa kanyang kapatid noong ito ang pangulo ng Philippine Forest Corporation.

6 Responses

  1. Hanggat ganyan ang batas sa Pilipinas,di matatapos ang mga pag nanakaw ng mga hinayupak na mga buwaya sa gobyerno tulad ng mga Arroyo,Estrada,Marcos kc alam nila na pagkatapos nilang mag nakaw ma aabswelto rin sila.Tayung mga mamayan ang nag durusa sa mga ka walang hiyaang ginagawa nila.

    1. tahimik ang gobyerno dito, sana yun mga maka DIGONG tingnan din nila yun mga magnanakaw na nakikisakay sa kanya, komo ok sa kanila si Digong ok na din sila, susunod na yun Jinggoy panay papogi din kay Digong