Posibleng makadalo sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong laya na si Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na dati ring naging Pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, Biyernes ng umaga ay nasa St. Lukes Medical Center pa ang dating Pangulo.
Kailangan na kailangan umano, ayon sa abogado, na maipasuri sa mga espesyalista si Arroyo.
“She is undergoing medical test in St. Luke’s Medical Center. In the past four years kung anu-anong karamdaman na rin ang ininda niya. Several months ago, may numbness sa kanyang arm. Hindi raw maigalaw, walang sensation,” sabi ni Arroyo.
Nasisiguro ng abogado na kapag nabigyan ng clearance ng pagamutan ay pihadong lulutang si GMA sa SONA.
“I guess kung bibigyan ng clearance ng St. Luke’s, a-attend ng SONA. ‘Yun ang pagkakaalam dadalo siya ng SONA,” pahayag pa ng legal counsel ni GMA.