PATOK sa millennials ang lola character ng 83-anyos na si Ms. Gloria Romero sa Kapuso tele­seryeng Meant To Be.

Aniya, “God is good, nakakapag-memorize pa ako! Kapag hindi na ako nakapag-memorize, hindi na ninyo mapapanood si Gloria!

“Enjoy ako sa mga guwapo sa Meant To Be! At may lovelife pa ako do’n! Si Ronaldo Valdez!

“Si lola, na-in love sa tulad ko na puti ang buhok!

“Ang ano ko lang sa Meant To Be, may mga hindi ako maintindihan sa dialogue gaya ng MOMOL, YOLO.

“Sabi ko sa kanila, paki-explain naman sa akin. Hindi ko sasabihin ang mga ‘yon hanggang hindi ko naiintindihan!” sey pa ni Ms. Gloria, na lola fairy naman ang papel sa bagong Kapuso show na Daig Kayo ng Lola Ko.