Tinawag ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pinaka-corrupt na dating pangulo ng bansa at dapat ay nakakulong ito ngayon.

Sinabi ito ng kongresista sa “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” nitong Linggo ng gabi nang matanong kung sino sa kanilang palagay ang pinaka-corrupt na pangulo ng bansa.

Ipinunto ni Alejano na dapat makulong si ­Arroyo dahil sinira nito ang mga institusyon ng bansa at pumayag pa na magkaroon ng Joint ­Marine Seismic Undertaking (JMSU) ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea noong 2014.

Maging si Bayan Muna chairman Neri Colmenares na tumatakbo rin sa pagka-senador, ay sinabing si Arroyo ang pinaka-corrupt na presidente ng bansa.

“Marami ‘yun, si Gloria Arroyo, simulan ko na lang du’n,” ayon kay Colmenares.