Nilinaw ng legal­ counsel ni dating Pangulong­ Gloria Macapagal-­Arroyo na wala itong balak­ sa ngayon na maghabol at papanagutin ang mga nagpakulong sa kanya.

“Ang sabi po ni Gng. Arroyo wala naman po… dahil ang priority niya nga po ‘yung dalawa… to serve her constituents better now that she’s free and number two ‘yung kanya pong pamil­ya na nangulila ng halos limang taon sa kanya lalo na ‘yung mga apo niya,” pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio.

“Patay na patay ‘yang si GMA sa mga apo niya kitang-kita ko naman ‘pag dumadalaw. Unang-una sabi, (congreswoman­ pa rin siya) and that’s one thing that she is worried about e nahihiya na siya noon pa man dahil hindi­ daw niya mabigyan ng personal na paglilingkod ‘yung kanyang constituents sa Pampanga… makapunta siya roon, marini­g niya ‘yung karaingan, at ‘yung mga gustong batas… notwithstanding the fact that she’s incarcerated­ isa siya sa pinakamara­ming na-file na panukalang batas… and almost everyday nakikipag-meeting siya sa kanyang mga cons­tituent doon sa Veterans (Memorial Medical Center) para pag-aralan ‘yung mga ibang agenda doon sa Kongreso,” ani Topacio.

Gayunpaman, sakaling magbago ng isip at habulin ang mga nasa likod ilang taong pagkakad­etine ay may ilang opsyon umano­ ang dating Pangulo para­ mapapanagot ang mga nagdiin sa kanya.

“Actually, meron ta­yong batas on unjust imprisonment na makaka­kuha ka ng up to P50,000 kung ikaw ay at the first instance ikinulong and late­r on you appeal, and you are found out to be… and later when acquitted you can ask for damages from the Department of Justice (DOJ), isa ‘yun. Pangalawa, kung gusto niya pang pumunta sa kasong sibil puwedeng kasuhan ang mga may kasalanan niyan for abuse of rights and therefore for damages ‘yun walang limit ‘yun. Kasi ‘yung unjust imprisonment is limited to a ceiling of P50,000,” pagpapaliwanag ni Atty. Topacio.

Puwede rin aniyang idemanda ni dating Pa­ngulong Arroyo ang mga indibidwal o personalidad na nagdikdik dito.

Dakong alas-kuwatro ng hapon kahapon nang matanggap ng Sandiganbayan First Division ang desisyon ng Korte Suprema na nag-aabsuwelto sa kanya sa kasong plunder kaugnay ng maanomalya paggamit sa P366-million intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Matapos matanggap ang desisyon, agad nag­labas ng isang pahinang “minutes” ang anti-graft court na nilagdaan nina Justice Efren ­dela Cruz, chairman First Division, Presiding Justice Amparo ­Cabotaje-Tang at Justice Geraldine Faith Econg.

“In view thereof, accused Gloria Macapagal-­Arroyo and Benigno Aguas are hereby ordered RELEASED from detention immediately, unless they are being held in custody for other reasons not related to this case,” ayon sa inilabas na dokumento ng anti-graft court.

Agad na ipinadala ang kopya ng Minutes sa Sheriff ng Sandiganbabayan, Philippine National Police, Veterans Memorial Medical Center at iba pang kinauukulang tanggapan.

4 Responses

  1. balikan po nyo nga mga nagdemnda sa inyo hingi kau ng danyos,,, sayang din po ang milyon na ibabayad sa inyo,, wla nman po kayu KABUSUGAN EH… go ate glo go…

  2. una si GMA, tapos Enrile, Bong and Jingoy…lalaya lahat yan….walang kaibigan kaibigan… friends lang. Alalahanin nyo…ang mga Marcoses…malayang malaya.

  3. Kalokohan, parepareho kayong mga sinungaling, kami ang naghihirap dahil sa kasakiman ng budhi nyo, nakahanda ang impyerno para sa inyo at doon kayo mangurap sa harap ni satanas..

  4. hindi naman talaga siya naghihirap habang nakakulong. Hospital yun hindi kulungan at di siya limitado sa kanyang kwarto lang, maluwag siyang nakapagikot doon