Sinulong ni Super Grandmaster Wesley So ang pangalawang sunod na tabla sa round three ng Shamkir 2017 Gashimov Memorial tournament sa Azerbaijan.
Matapos ang first round defeat kay GM Shakhriyar Mamedyarov ng host country, tabla ang laban ni 23-year-old So kina GMs Michael Adams ng England sa second round at Radoslaw Wojtaszek ng Poland sa round three.
Nakalikom si World No. 2 player So ng 1 points sa 10-player, single round robin event.
May anim na laban pa kaya malaki pa ang tsansa ni So na masungkit ang titulo, solo sa top spot si Mamedyarov kapit ang 2.5 points.
Tatlong GMs ang nagsisiksikan sa second spot ito’y sina Adams, Eljanov Pavel ng Ukraine at former world champion Veselin Topalov ng Bulgaria tangan ang tigalawang puntos.
Makakalaban ni So sa fourth round si Topalov habang katapat ni Mamedyarov si Pavel.