Bumawi mula sa first defeat si Super Grandmaster Wesley So matapos pisakin si GM Ian Nepomniacchtchi ng Russia kahapon sa Sinque­field Cup 2017 sa Saint Louis, Missouri.

Tinapos ni 23-year-old So sa 39 moves ng English si  Nepomniacchtchi para ilista ang 1 point at sumalo sa five-way tie sa fourth sa 10-player, single round robin event.

Yumuko si Imus, Cavite native So kay GM Maxime Vachier-Lagrave ng France sa opening round matapos ang 43 sulungan ng Giuoco Piano.

Magkasalo sa top spot sina reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway, Lagrave at GM Fabiano Caruana ng USA na may tig-1.5 points.

Sunod na makakalaban ni So sa round three ang teammate nito sa USA na si GM Hikaru Nakamura.

Tatlong taaon na ang nakararaan nang magpalit ng federation si So.

Ang ibang may isang puntos ay sina, Nakamura, former world champion GM Viswanathan Anand ng India, Russian GM Sergey Karjakin at GM Levon Aronian ng Armenia.