GM So angat sa No. 7

Umakyat ang ­dating pambato ng ­Pilipinas na si Super Grand­master Wesley So sa No. 7 sa player ­rankings ng World Chess ­Fe­de­ration (FIDE) ma­tapos ­mag­­kampeon sa ­katatapos na 2016 Sinque­field Cup sa Saint Louis, Missouri USA.

Nasa 11th si 22 years old So bago nag-umpisa ang torneo, umiskor ng 5.5 points matapos ang 10-player single round robin para maabot ang Elo rating 2782.

Kasalukuyan nang naglalaro si So dala ang bandila ng America at sa 2016 World Chess Olympiad sa Baku Azerbaijan sa susunod na buwan ay maglalaro sa US team.