Lumagak si 36th seed Grandmaster Eugene Torre sa 13th place sa 263 players na naglabu-labo sa 32nd Reykjavic Open Chess Championships sa Harpa Concert Hall and Conference sa capital city ng Iceland.

Nagtala ang 65-year-old Ilonggo ng 7.0 points sa seven wins at three losses sa €15,000, nine-day, 10-round Swiss system tournament na kanyang muling nilahukan matapos ang upper-half finish niya rin doon noong 1980.

Nineteen ang seven pointers kasama ang mga bahagyang nakaungos lang sa tiebreak sa Pinoy GM na sina 17th seed GM Emre Can ng Turkey at 27th seed American GM Eugene Perelshteyn na napunta sa 11th at 12th.

Naimbita si Torre, ngayo’y national coach na, dahil sa kanyang bronze medal-finish sa 42nd Chess Olympiad noong September sa Baku, Azerbaijan. Una niyang nilahukan ang pangsiyam na edisyon ng Reykjavic na pinagha­rian ni Victor Kuprichik ng Soviet Union.

Nagkampeon sa taong ito si top seed GM Anish Giri ng Netherlands sa 8.5 points, kalahating puntos sa unahan ng apat na sumunod sa kanya, kasama ang swak sa podium na sina 16th seed countryman Jorden Van Foreest at sixth seed Movsesian Sergei  ng Armenia.

Wagi si Torre kina Si­gurdur Eiriksson ng host country, Slovak Woman FIDE Master Monica Montycakova, Kristjan Evardsson ng Iceland, Candidate Master Alan Walton ng England, German FM Frank Buxhenau at Indian WGM Swaminathan Soumya.

Talo naman siya kina seventh seed Briton GM Gawain Jones, W International Master R. Vishaili ng India at sixth seed GM Armernian Sergei Movsesian.