Pagkatapos ng 36 na taon, babalik si Grandmaster Eugene Torre para makipagtagisan sa 32nd Reykjavic Open Chess Championships sa 28,000-sqm. Harpa Concert Hall and Conference Centre sa capital city ng Iceland sa April 19-27.

Sinabi ni Torre na naanyayahan siya sa nine-day, 10-round Swiss system tournament dahil sa kanyang bronze me­dal-finish sa 42nd Chess Olympiad noong Sept. 1-14 sa Baku, Azerbaijan.

Una niyang nilahukan ang pang-siyam na edis­yon ng Reykjavik noong 1980.

Nasa upper-half daw ang finish niya sa 1980 Reykjavik Open na pinamayagpagan ni Victor Kuprichik ng Soviet Union.

Isa si Torre sa 189 entries sa taong ito,

“The organizers (Icelandic Chess Federation) has invited me by virtue of winning a bronze me­dal in the last Baku Olympiad,” ani Torre, dinagdag na bibisitahin din niya sa Iceland ang libingan ng matagal niyang naging kaibigang si former world champion American Ro­bert James ‘Bobby’ Fischer na doon nilibing tapos yumao noong 2008.