GMA-7 Employees’ Multipurpose Cooperative gumagamit na ng GCash E-Payment Scheme

Gumagamit na ngayon ang isa sa nangungunang television network cooperative sa bansa ng cashless payment scheme para sa mga miyembro nito.

Ang GMA-7 Employees’ Multipurpose Cooperative (GEMPC) ay nakipag-partner sa GCash upang palakasin ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng financial tools at solutions.

Nagpahayag ng kasiyahan ang chairperson ng kooperatiba na si Jose Vernon Jacela sa partnership dahil magkakaloob ito ng oportunidad sa kanilang mga miyembro na maging ‘financially responsible’ sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

“Over two decades of the cooperative’s existence, the time is ripe to slowly shift in adopting an electronic payment scheme that will still adhere with our objectives in this humble organization,” wika ni Jacela.

Magbibigay ang GCash sa mga miyembro ng GMA-7 Employees’ Multipurpose Cooperative ng karagdagang serbisyo tulad ng disbursement of funds via GCash EMV Beep Mastercard, prepaid load purchases, bills payment at iba pa. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng GCash ay hindi na kakailanganin pa ng cash sa pagbili sa GEMPC grocery at canteen.

“The move to electronic payment system is challenging, but exciting,” ani Victoria Arradaza, treasurer at dating vice-chairperson ng GMA-7 Employees’ Multipurpose Cooperative.

Samantala, natutuwa rin si GCash CEO Albert Tinio sa kakaibang partnership dahil ang mga tuntunin sa GMA-7 Employees’ Multipurpose Cooperative ay tunay na malawak at ekstensibo upang makapagbigay ng lubos na serbisyo.