Hindi umano beneficiaries sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at maging ang pamilya ni dating Supreme Court (SC) chief Justice Renato Corona sa imbestigasyon ng Kamara sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong panahon ni Sen. Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ).
Nilinaw ni House Committee on Justice vice chairman Vicente Veloso na wala ibang nakikinabang sa kanilang ginagawang imbestigasyon kundi ang sambayanang Filipino.
“At saka ang beneficiary nito hindi si… sino bang hinarass ni De lima during the time of PNoy? Si GMA, si Corona. But ang beneficiaries nito is not GMA nor Corona. Ang beneficiaries nito are the entire people,” ani Veloso.
Ngayong araw na ito ay muling ipagpapatuloy ng komite ang kanilang imbestigasyon sa nasabing isyu kung saan inaabangan kung dadalo ang umano’y pinakasiga sa bilibid na si Jaybee Sebastian at dating driver at umano’y lover ni De Lima na si Ronnie Dayan.
Sinabi ni Veloso na seryoso ang problema ng droga sa NBP dahil kahit nakakulong na ang mga drug lords ay nakakapag-operate ang mga ito noong panahon ni De Lima sa DOJ.
“Sa ngayon aniya ay bawas na ang operasyon ng mga nakakulong na drug lords sa NBP.
“This is not happening after De Lima’s term. This has not happened, at least wala kaming nakita… this did not happen before De Lima’s watch,” ayon pa sa mambabatas.
NAKU PO !GLORIA MAG NANAKAW KA NAMAN TALAGA KUNG DI KA MAN NA PARUSAHAN NGAYUN SA BATAS NG TAO…SA BATAS NG DYOS KA NAMAN MANANAGOT!MAG NANAKAW KA!
Si Arroyo manok ng Aquino yan matapos nilang magamit noong kay dating Pangulo ng matapos nilang nagamit si Arroyo pinakulong naman n g Aquino kasi nga ang mga dilaw hindi lang manhid, makapal ang mukha subalit manggagamit ng tao. Kaya kawawa ang mga taong magamit nila kasi sabantang huli pabayaan nalang nila.
tanga!mabasa ka nga!
Di ako dilawan. Pero magtrabaho na kayo. Unahin nyo problema ng mamamayan. Bayad kami ng bayad ng buwis
o mga dilawan ano comment nyo d2.