LUMAKI ang lamang ng GMA Network sa nationwide TV ratings nitong Abril, ayon sa datos ng ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Mula Abril 1 hanggang 31, nagtala ang Kapuso Network ng 43.3% average total day people audience share sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), mas mataas sa ABS-CBN na may 35.1%.

Mala-higante ang agwat ng Kapuso Network sa ABS-CBN sa Urban Luzon, na bumubuo sa 77%  ng mga manonood sa urban TV homes sa bansa.

Nakakuha ang GMA ng 50.4% average total day people audience share sa Urban Luzon, malayo sa 28.9% ave­rage ng ABS-CBN.

Sa lahat ng day parts, kabilang na ang pinag-aagawang primetime block, wagi ang GMA sa NUTAM at Urban Luzon kung saan number one pa rin sa lahat ng programa ang telefantasyang Encantadia.

Kasama sa listahan ng mga top programs ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Destined to be Yours, Magpakailanman, Pepito Manaloto, 24 Oras, ang bagong prog­ramang Daig Kayo ng Lola Ko, Meant To Be, at Hay Bahay.

2 Responses

  1. sino pinagloloko nitong AGB?! pano mangunguna ang GMA sa survey eh lilima nga lang kilalang artista dyan. the rest puro DA WHO na. di ba ALDOG. harharhar!

  2. Bakit di na lang ginawa ninyong 75 25 total kathang isip lang naman ninyo at kayo kayo lang naman ang naniniwala. Haaaaaaaaaaaay naku