Sa isang TV network lang sa Pilipinas nanonood si Senador Juan Miguel Zubiri at ito’y walang iba kundi ang ABS-CBN.
Base kasi sa talumpati ni Zubiri sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkoles hinggil sa pagpapalawig ng prangkisa ng Kapamilya network, wala na siyang ibang estasyon na pinanonood maliban sa ABS-CBN o sa iba pang subsidiary nito.
“Sa totoo lang po Mr. [Senate] President… pag-uwi ko sa bahay, alas-nuwebe nang gabi, nanonood po ako ng World Tonight, kung ‘di ko mahabol I stay up ‘til 12 midnight to catch the replay. My TV screens are either Channel 26 or 27 so I get updated by the news. In the absence of that, I know channel 5 has also has 24 hour news system but it’s on satellite which I utilized cable so that I also have internet. So kung wala na po ‘yan ano na po ang papanoorin ko? ‘Yong CNN International, or BBC International, or AL Jazeera na hindi naman siguro sa atin ‘yan sa Pilipinas,” ayon kay Zubiri.
Matatandaang naging host din si Zubiri ng weekly show na ‘Team Explorer’ ng ABS-CBN kung saan, batay sa nakasaad sa kanyang biography sa Senate website, ay nakatulong para malaman niya ang tunay na kalagayan ng kapaligiran at makabuo ng mga panukala hinggil dito.