Umiskor ng dalawang puntos si Pinoy GM Ro­gelio ‘Joey’ Antonio sa tatlong huling rounds ng 27th World Senior Chess Championship 2017 Open + 50 para sikwatin ang second place Sabado ng gabi sa Acqui Terme, Italy.

Nauwi sa draws ang laban ni No. 6 seed Antonio (elo 2431) kina Georgian GMs third seed GMZurab Sturua (elo 2536) at Giorgi Bagaturov sa rounds 9 at 10.

Tinalbos ni Antonio sa 11th at last round si IM Spartaco Sarno ng host country tungo sa 8.5 points.

Kaparehong puntos ni Antonio si GM Eric Prie pero nakopo ng Pinoy ang second place sa nakalikom na 73.0 tie break points laban sa 71.5 ng Frenchman.

Solo champion si top seed GM Julio Granfa Zuniga (9.5 pts) ng Peru.

Samantala, kinapos din si Asia’s first grandmaster Eugene Torre sa Open + 65.

Kasalo si Torre sa nine-way tie sa second matapos ang 11 rounds, pero mababa ang TBP kaya lumanding sa No. 7 sa 8 points.

Kampeon si GM Evgeny Sveshnikov (8.5 pts).