Why not? Dapat ituloy ng Department of Budget ang balak nitong pag-isyu ng dollar-denominated bonds na ang target market ay ang OFW sector.
Tutal, kailangan talaga ng OFWs ng safe investment vehicle, so let’s do this dahil wala nang mas safe pang investment instrument kumpara sa bonds na may sovereign guarantee.
Ang proceeds ng planong dollar-denominated bonds issuance ay ang iba’t ibang infrastructure projects ng Duterte administration sa ilalim ng “Build, Build, Build” program nito.
DuterteNomics
Sa nakaraang World Economic Forum at Road and Belt meet sa China ay ini-unveil ng gobyerno ang DuterteNomics o economic plans ng bansa sa susunod na limang taon.
Layon ng DuterteNomics international unveiling ang maka-entice ng foreign investors na tinugunan na ng China sa pag-pledge ng pondo para sa infrastructure projects.
Since ngayong taon ay nasa P631 billion ang programmed borrowing ng gobyerno, might as well tap the local market para makalikom ng pondo.
RTBs
Ang planong OFW infrastructure bond ay maihahalintulad sa retail treasury bonds na regular na iniisyu ng Bureau of Treasury tulad ng P181 billion fully subscribed, three-year RTBs na inisyu nito noong nakaraang buwan.
Ang nasabing RTBs ay magma-mature o pwede nang makolekta sa loob ng tatlong taon kasama ang interes o kita. Ang minimum amount ng mga RTBs ay P5,000.
Surely, kung matutuloy ang planong OFW bond, hindi naman iyan malilimita sa OFW sector lang kundi sa lahat ng may nakatabing dollars na pwede ipambili ng bond.
Illegally recruited
Masasabing sign of goodwill ang pag-release ng Russia sa 17 illegally recruited Filipinos na nasakote sa tangkang pagpasok sa mga bansa noong May 16.
Ang aksyon ng Russia ay ilang araw bago bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte upang makipag-usap kay Russian President Vladimir Putin.
Positive tayo na more good news are coming by way of Russia during the President’s visit there. Abangan.
***
Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.