Go-For-Gold PH mintis sa Guinness World Record

Go-For-Gold PH mintis sa Guinness World Record

Kinapos ang Go-For-Gold Philippines sa pagtatala ng bagong Guinness World Record na pinakamaraming bilang ng nagdi-dribble ng bola sabay-sabay nitong Linggo, Hulyo 21 sa Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City.

‘Di nabura ng GFGP ang record ng United Nations Relief and Works Agency in Rafah na may bilang na 7,556 na dribblers sa Gaza Strip, Palestine nitong July 22, 2010.

Pero laking pasasalamat pa rin ni GFGP godfather Jeremy Randell Go sa pagdalo ng mahi­git 200 national athletes sa iba’t ibang sports gaya ng triathlon, skateboarding, sepak takraw, wrestling, cycling, volleyball, basketball, chess, canoe-kayak at dragonboat.

Full force rin ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine National Police kasama rin ang brand ambassadors ng Scrath It! na sina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Present din ang 2nd Maharlika Pilipinas Basketball League champions San Juan Knights Go-For-Gold, PBA D-League champion Go-For-Gold CSB, Philippine Navy Sea Lions at PAF Spikers.

“We still achieved our goal,’’ ani Go, ang vice president for marketing ng Powerball Marketing & Logistics Corporation, na nasa likod ng Go For Gold project. “Those 4,000 people will bring those balls sa mga bahay at barangays nila, at ‘di lang isang tao ang makikinabang dyan.
Hopefully after this, more people will play the game.” ­(Aivan Episcope)