Binuksan na ng Go For Gold Philippines ang pintuan para sa interesadong mapabilang sa lumalaking kuwadra ng kanilang mga atleta sa iba’t ibang sports.
Pinahayag nitong Martes, Abril 23 ni Go For Gold godfather Jeremy Go na nagtakda sila ng serye ng mga karera kung saan ang pangkalahatang magiging hari’t reyna ay aalukan ng kontrata para mabilang sa Team Go For Gold.
Ani Go, maglalaban ang mga aspirante sa anim na oorganisahing karera simula sa Go For Gold Sunrise Sprint-Cebu sa Abr. 28, short distance triathlon tampok ang 750-meter open-water swim, 20km bike, 5km run race.
“There is no shortcut toward success. But if your dream is to be part of Go For Gold Philippines, then this might be your time to shine,’’ lahad ni Go, na siya ring vice president for marketing ng Powerball Marketing and Logistics Corp., na nagpapatakbo sa programang Go For Gold.
Tapos ng Naga, Cebu race, lusob ang Go For Gold SBR PH Aquaman sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite sa Mayo 19 kasunod ang Go For Gold SBR PH Duaman sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna sa Hunyo 16 at iba pa. (Janiel Abby Toralba)