Nakopo ng Far Eastern University-Diliman Baby Tamaraws ang pangsiyam na sunod na UAAP juniors football title matapos pabagsakin ang National University 1-0 Huwebes sa Moro Lorenzo Field.

Pumuntos si Pocholo Bugas sa ika-16 minuto ng laro na siya ring nagbigay ng winning goal para sa Baby Tamaraws sa league season 81.

Kahit sawi, maganda pa rin ang ipinakita ng Bullpups sa second year na pagsali sa soccer juniors’ division.

Dominado rin ng Quezon City-based squad ang individual awards sa pangunguna ni Marc Jessar Tobias na hinirang na tournament MVP.

Tinanghal naman si Karl Talaroc bilang Rookie of the Year, si Bugas ang Best Striker, si Kristian Bumatay ang Best Goalkeeper, at si Kiet Absalon ang Best Midfielder.

Napili si Dominic Absalon ng UST bilang Best Defender.