Ano’ng unang sasagi sa isip kapag nabanggit ang pangalang Rudy Gobert?
Coronavirus.
Si Gobert ang unang NBA player na nag-positive sa COVID-19, pagkatapos lumabas ang resulta ng kanyang test noong March 12 ay sinuspinde na ang 74th season.
Pagkatapos ng isang press conference, bago umalis sa podium ay pinaghahawakan ni Gobert ang microphone at audio recorders ng reporters. Ilang araw ang nakalipas, nilalagnat na ang Frenchman kaya ipina-test.
Nag-positive din ang Utah teammate niyang si Donovan Mitchell.
Bukod sa magandang balitang nakakarekober na ang dalawa, tumanggap pa ng pagkilala si Gobert – siya ang 2020 Pro Male Athlete of the Year ng Utah Sports Commission, ayon sa ulat ni Ben Anderson ng KSL Sports.
Kinilala ng commission ang husay ni Gobert sa court at impact niya sa komunidad.
“The Utah Jazz’ 7-1, 245-pound center Rudy Gobert has become a real backbone of the Jazz’ success,” bahagi ng release sa award. “A fan favorite and deeply integrated with the community through his personal cause-related outreach.”
Noong 2017 ay iniuwi din ni Gobert ang award, sumunod na taon ay iginawad kay Mitchell. Noong nakaraan taoin ay si pro golfer Tony Finau ang winner. (VE)