Kung maibabalik lang ni Rudy Gobert ang orasan, hindi niya gagawing biro ang coronavirus.

“I wish I would have taken this thing more seriously and I hope everyone else will do so because we can do it together,” mensahe ni Gobert sa kanyang video sa social media.

Si Gobert ang unang NBA player na nag-positive sa COVID-19, kasunod ay sinuspinde ng liga ang season.

Sa isang media availability, nagbiro si Gobert nang sadyaing paghahawakan ang microphone at audio recorders na nasa podium. Makalipas ang ilang araw ay nag-positive na.

Marami ang pumuna sa ginawa niya, naglabas ng apology ang center. Nag-donate rin siya ng higit $500,000 ayuda sa coronavirus-related social activity sa Utah, Oklahoma City at sa France.

Nagbigay rin siya ng update sa kanyang kalagayan, maayos naman daw.
“I’ve been feeling a little better every single day, thanks to the healthcare people of Utah … and all the great people around me,” aniya.

“I just wanted to make sure to remind you guys to keep washing your hands frequently with soap and water, try to avoid touching your nose, eyes, and of course try to avoid making unnecessary contact with people. It’s all about protecting yourself and the people around you.” (VE)