Ipinagmalaki ni ­Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dumalo­ sa 9th National Biennia­l Summit On Women In Community Policing sa Apo View Hotel, Davao City nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 30, kung saan ito ang nagin­g taga­pagsalita na ramdam na ang pananahimik ng makakaliwa at tropa ng gobyerno dahil sa ginawa­ niyang inisyatibo.

“Nakausap ko ang left. Kita mo wala na tayong­ ­giyera. Nakausap­ ko si ­Murad pati Jaafar­.

So there’s a lull in the fighting­ there. Kinausap ko si Nur (Misuari)­. Sabi niya ‘we have to talk’. Sabi ko ‘get out there, maglakad ka lang’,” pahayag pa ng ­Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na sagot niya sa huli ang makakaliwang lider na makiki­pagnegosasyon sa kanya.

“Sabihin mo lang na you want to talk to me. Walang huli sa’yo. That’s my order to the police and the military. Why? I am not a wartime President. My job is to seek peace for my land. So I have to talk to everybody,” sabi pa ng Pangulo.

Ang pakikipagnego­sasyon­ sa makakaliwa ay isinusulong ni PDu30 upang matuldukan na ang walang humpay na patayan­ ng tropa ng gobyerno at makakaliwang grupo na mahabang panahon nang nangyayari.