Hindi matitinag ang pamahalang Duterte sa planong modernisasyon ng transport ­system sa bansa sa gitna ng ­bantang welga ng mga pampasaherong jeep ngayong araw.

“The modernization of the public transport ­system is long overdue and the Duterte admi-nistration will not be intimida-ted nor cowed by threats of protests and strikes

coming from those who only think of their owned parochial inte-rest. This administration is ­committed to serve the paramount interest of the citizens for ­convenient and accessible public transportation,” ayon sa statement na ipinalabas ni ­Presidential Spokesman Salvador ­Panelo.

Anila, hindi nila pinipigilan ang mga driver at operator na magsagawa ng protesta subalit kaila­ngang ­tiyakin na ­magiging ­tahimik at walang anumang karahasan na magaganap para malagay sa peligro ang mga publiko.
Iiral umano ang batas at ­sinumang lalabag ay tatanggalan ng prangkisa at parurusahan.

Samantala, tatapatan ng ‘bus augmentation plan’ ng gobyerno bilang ayuda sa publiko sa gitna ng transportation strike na isasagawa ngayong araw.

Magde-deploy ng mga karagdagang bus unit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), katuwang ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT),

Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP Highway Patrol Group (HPG) at mga Local Go­vernment Unit (LGU), upang tiya­king tuluy-­tuloy ang pagbiyahe ng mga commuter.

“Kahit maliit lang ang inaasahan nating epekto ng strike bukas, ­mabuti nang may contingency plan tayo ­dahil prayoridad natin ang mobility at convenience ng ating commu­ters,” giit ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.
“Ang paghahanda po natin ay hindi lang ­naka-focus doon sa augmentation, kundi pati na sa ­enforcement at apprehension sakaling mang­harang ng mga kapwa nila tsuper ‘yung mga nagwewelga,” dagdag ng tagapamuno.

Maglalaan ang gob­yerno ng mga ­karagdagang public ­utility bus sa mga ruta ng
Letre Malabon via Samson Rd. to Monu­mento, Caloocan; Valenzuela via McArthur Highway/­Ri­zal Avenue Avenida to ­Manila; 5th Ave. via Rizal ­Avenue Avenida to Manila; ­Monumento via McArthur Highway to ­Malanday ­Valenzuela; ­Mo­numento via ­Samson Road to Navotas; C3 ­Dagat-Dagatan via C3 Road to East Bound ­(going to 5th Avenue); 5th Avenue via C3 Road to South/North Bound.
Marikina via Marcos Highway to Angono, ­Rizal; Marikina via Aurora Blvd. to Cubao; Marikina via Manghan to Pasig; Taft via J.P. Rizal to Guadalupe; Taft via Pedro Gil to Sta. Ana; Quezon ­Avenue via España Quezon Blvd to Quiapo; RMB via V. Mapa to Plaza Avelino; Bacla­ran via Dr. A. Santos to ­Sucat; EDSA via Taft ­Avenue to Manila & Quezon City; EDSA Heritage via Osmeña Highway to FTI & Alabang; Parañaque via Quirino, Don Galo Las Piñas, Zapote (Dolly ­Cabreza)