Siniguro ­kagabi ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na handa ang gobyerno sa pag-landfall ng super typhoon Lawin.

“We are ready for ­everything,” bahagi ng talumpati ni Duterte na nasa Beijing, China nga­yon para sa kanyang apat na araw na state visit.

“Everything has been deployed. All that is needed is to wait it out and wait for the proper advice from government,” paniniyak pa ng Pangulo

Kasabay nito ay hinimok ng Pangulo ang publiko na sumunod sa mga abiso ng awtoridad upang maiwasan ang matinding pinsalang hatid ng super typhoon Lawin.

Apat na lalawigan ang idineklara ng PAGASA­ na nasa ilalim ng storm signal no. 5.

Ang super bagyo ay inaasahang magla-landfall sa Cagayan, bandang alas- 12:00 ng hatinggabi at ina­asahang tatawid sa Isabela,­ Apayao, at Ilocos Norte bago mag-exit patungong Luzon ngayong hapon.

Nauna rito, inatasan ng Palasyo ng Malacañang ang mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng “highest level of preparedness” sa bagyong Lawin.

Umapela rin si Exe­cutive Secretary Salvador Medialdia sa publiko­ na manatiling kalmado,­ alerto at imonitor sa anumang media outlet­ ang mga ­update ng ­Philippine ­Atmospheric Geophysical­ and Astronomical Services Administration (Pagasa) patungkol sa super typhoon.

“We likewise urge the public to heed the warnings and advise of their respective local governments. The national government shall continue to issue updates and public advisories on the developments concerning the impending typhoon Lawin,” bahagi ng inilabas na public advisory ng Palasyo.

Nauna nang kumilos ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ilang ahensya ng gobyerno­ at nagpatupad na ng ilang paghahanda para masiguro ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ­matinding pinsala.

Ayon naman kay Assistant Secretary Marie Banaag ng Presidential Communications Office for Operations and Special Concerns, nakatutok na ang gobyerno sa mga apektadong lugar.

“Hinihiling ng ating Pangulo sa ating mamamayang Filipino na magbantay, mag-ingat at maghanda sa bagyog Lawin dahil sa panahong ito kailangan nating magtulungan, magmalasakit. Kailangan natin ng baya­nihan at magdamayan para sa mga kababayang masasalanta ng bagyo lalo na sa Cagayan at ­Isabela,” apela ni Banaag.

8 Responses

  1. Ingat mga kabayan, makakaraos din tayo sa super typhoon, sana nasa mabuting kalagayan ang lahat, di gaya ni Nestor, inuna pa ang pag batikos kaysa tumulong…

      1. mas okey na yung kahon kahon na binibigay ng gobyerno sa nasalanta, di kagaya ng kultong dilaw, na puro salita lang… napanis at nasira lang ang dapat pambigay sa tao… hwag lang makinig sa mga bias na news ng pilipinas.

  2. Handa na raw tumanggap ng mga relief good ang Pilipinas mula US at EU. Pagkatapos nun distansiya ulit sila at baka masira ang relasyong ng China at PH. Wait and see…

  3. Handa ang gobyerno sa mga masisira at mapipinsala..pero ang tulong sa mga tao at makinarya ay hindi handa dahil busy sila kay De Lima at pagpatay sa mga Drug Users at kung ano ano na hindi naman priority ng bansa..Tignan Natin!!!