Pundido na rin ang Malakanyang sa mabagal na internet kaya pinaplano na ng National Telecommunications (NTC) na magkaroon ng sariling national broadband.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar ang sariling national broadband ng gobyerno ang inilutang na solusyon ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima sa mabagal na internet sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Andanar ang planong magkaroon ng sariling national broadband ng gobyerno ay dahil sa kakulangan sa serbisyong ibinibigay ng mga telcos.

Ang sistemang nais mangyari aniya ng DICT ay ipatupad sa dalawang paraan “…either you create at yourself, or the other one is to provide for the ­areas na wala pa iyong pribado , lalagyan ito ng mga fiber optic, lalagyan mo ng mga cell sites,”sabi pa ng kalihim.

One Response

  1. The story and the Government plan is short. It was not mentioned here that the Internet facilities they’re going to purchase will be from China which is the effect of “stronger trade ties”.