Pinag-iingat ng isang kongresista ang gobyerno sa pagtanggap ng tulong ng New People’s Army (NPA) at Moro National Liberation Front (MNLF) para labanan ang Maute at Abu Sayyaf Group (ASG) dahil posibleng magdudulot lamang umano ito ng komplikasyon sa combat operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, ang babala matapos mapaulat na tinanggap ng gobyerno ang alok na tulong ng MNLF at NPA para lipulin ang Maute at Abu Sayyaf na itinuturing na bilang local Islamic State (IS).

“Magdudulot lamang ito ng komplikasyon sa kasalukuyang combat operations ng ating pamahalaan sa Marawi laban sa grupong Maute.

Ang combat operations ay may aspetong operational (coordination and communication), intelligence at logistics na siya namang hinahasa ng ating mga AFP units sa panahon ng pagsasanay,” ani Alejano

Ngunit ikinatuwa naman ng isang makakaliwang mambabatas sa Kamara ang pagtanggap ng gobyerno sa nabanggit na tulong para labanan ang mga terorista.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, matatawag na isang “historic cooperation” ang pagsasanib-puwersa ng pamahalaan at communist guerillas laban sa mga terorista kapag nagkataon.

2 Responses

  1. Napakalaking Gunggong talaga ng ating gobyerno! Sandamukal na mga tanga! saan ka ba naman nakakita ng ganitong solusyon sa kaguluhang ginawa ni Duterte in the first place. anong tulong ang magagawa ng NPA at ng MNLF na hindi magagwa ng ating mga militar! Pagkakatiwalaan mo ba ang mga kalaban ng ating bansa na kasalukuyang pumapatay ng ating mga sundalo sa lahat ng panig ng Pilipinas! Malaking Sampal ito sa ating mga sundalong may kaibigan at mahal sa buhay na pinatay ng mga NPA at MNLF. Ano naman kaya ang magiging pakiramdam ng mga mahal sa buhay at pamilya ng mga naiwan ng mga sundalong namatay doing their job as a soldier, na hangang ngayon ay humihingi ng katarungan! Mga stupid imbecile talaga ang ating Gobyerno!

  2. Wala bang tiwala ang administrasyon na ito sa kakayahan ng sarili niyang military? Anong nangyari sa sinasabi nilang nasa full control nila ang sitwasyon sa Marawi?