Isa sa pinagkakaabalahan ni Premier Volleyball League (PVL) star Melissa Gohing ngayong may pandemiya sa buong daigdig ay ang sobrang pag-aalaga sa kanyang sarili.

Dahil sa coronavirus disease 2019, karamihan ay stressed dulot ng tatlong buwan nang quarantine, pero mas pinipili ngayon ng beteranang libero ng Motolite Power Builders ang seryosohang self-care.

“Self-care is very important right now,” giit ng 28-taong gulang, may taas na 5-3, at tubong Bacolod na dalaga, na nag-aabang pa rin sa pagbubukas ng 4th PVL 2020 na sapol ng Covid-19.

“What are you doing for self-care? For me, it’s being close to nature & working out.” caption ni Gohing sa kanyang Instagram post kahapon.

Punto pa ng balibolista, “It’s refreshing for the mind, body & soul. How about you?” (Janiel Abby Toralba)