Misyon ng ­Perlas ­Pilipinas na masikwat ang first gold sa 9th SEABA Championship for Women sa Melacca, Malaysia sa Sept. 20-26.

Kapag nagawa ito, susubukan namang tuldukan ng Pilipinas ang pagiging perennial silver-bronze winner sa 29th SEA Games sa Malaysia sa susunod na taon.

“Medyo maganda ang pinakita natin sa (26th) FIBA-­Asia Championship for Women (2015) sa Wuhan (China), so we’re ho­ping to get the gold in the SEABA in preparation na rin for the Southeast Asian Games in 2017,” lahad ni coach Patrick Aquino nang dumalo kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama sina newly-appointed skipper Ryzza Palmera-Dy at newly-promoted national team member Jack Daniel Animan.

Nagposte ng 5-1 win-loss record ang ­Perlas sa Level II sa Wuhan para tumapos ng seventh overall.

2 Responses