Walang ibang hangad si Mary Joy Tabal sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia kung ‘di ang gold.
Si Jeson Agravante, kuntento sa kahit anong kulay ng medalya, huwag lang mabokya.
“My ultimate goal is to win the gold medal,” deklarasyon ng 4-foot-11, 28-year-old Cebuana sa send off ceremony ng Philippine Athletics Track and Field Association sa Marriott Hotel Manila.
“My training in Italy and Switzerland helped me a lot,” hirit ng 2016 Rio de Janeiro Olympian.
Kasama si Tabal sa 37 miyembro ng national track and field team na umalis kahapon.
Nasa ideal weight nang 93 lbs. (42.5-kg) si Tabal, aniya’y tama para sa 42.195-kilometer footrace sa Sabado, Aug. 19, 6:15 a.m, ilang oras bago ang formal opening ng palaro sa hapon. Mas maaga ng 15 minutes ang men’s marathon.
Ang gold at bronze winners na sina Natthaya Thanaronnawat ng Thailand at Hoang Thi Thanh ng Vietnam ang mga tinik sa misyon ni Tabal.
Nagka-injury (cramps) si Agravante sa Scotiabank Marathon 2017 sa Ottawa, Canada nito lang May, pero handa na raw siya sa debut sa SEAG.