Golden Boy Schooling dinumog sa Singapore

SINGAPORE (AP) — Daan-daang tao ang nagsiksikan sa Changi Airport para salubungin ang pag-uwi ng 21-anyos na si Joseph Schooling, may kuwintas na gold medal.

Binagsak ni Schooling ang pinakamalaking upset sa Rio Olympics nang talunin ang idolo at 23-time gold medalist Michael Phelps sa 100-meter butterfly para i-deliver sa Singapore ang kauna-unahang Olympic gold medal.

“Definitely the highlight of my life,” ani Schooling sa crowd. “Thank you everyone for coming. This (gold) is not for me. this is for everyone. Thank you guys.”

Apat na araw ang selebrasyon ng pagkapanalo ni Schooling sa Singapore. Mahigit isang oras nakisalamuha si Schooling, nag-aaral sa University of Texas, sa supporters nitong Lunes at walang kapagurang pumirma ng autographs at nagkipag-selfie at groufie.

Sa Rio, kumampay agad ng malaking lead si Schooling bago nanalo sa Olympic record na 50.39 seconds. Triple-tie sa silver sina Phelps, Chad le Chlos ng South Africa at Laszlo Cseh ng Hungary.