RIO DE JANEIRO (AP) — Sa pamamagitan ng halik sa bola at hindi malilimutang sipa, iniregalo ng biggest soccer star ng Brazil sa Olympic host ang biggest moment ng games.
Ibinulsa ng Brazil ang kauna-unahang Olympic gold medal sa soccer nitong Sabado sa bisa ng dramatikong penalty kick ni Neymar para talunin ang Germany, at nagbunyi ang buong bansa pagkatapos ng 1-1 (5-4 shootout) victory.
Bago ang decisive shot, kinuha ni Neymar ang bola at hinalikan bago ipinuwesto sa penalty spot.
Suwabe at kalmadong sinipa ni Neymar ang bola na pumasok sa top corner. Napaluhod si Neymar bago dinamba ng mga kakampi.
“That’s it,” wika ni Neymar. “We made history.”
Lahat ng problema ng Brazil, naglaho nang humalik sa net ang sipa ni Neymar.
“Obviously this tournament had a special meaning for Brazil,” dagdag ni Neymar.
Sumiklab ang selebrasyon sa buong Rio, tulad ng mga party nang manalo ng limang World Cup championships ang bansa.
Liparan ang fireworks sa stadium, walang tigil ang busina ng mga sasakyan, nagkantahan at naghagisan ng beer ang fans.