Golden Kingdom

racing-feature andy sevilla

Masyadong maganda ang ipinakitang panalo ni Golden Kingdom sa PCSO Special Maiden Race noong Sabado sa MetroTurf Racing Complex, nang idaos ang 4th MMTC Anniversary Weekend Special.

May limang kabayong nanalo ang anak ni Minsk sa kampeong inahing Golden Ballet sa P1 million pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang first prize nito ay P600,000, nakuha rin niya ang breeder’s prize na P50,000.

“Ipinakita lang niya yung kanyang ginawang panalo sa trial dalawang linggo na ang nakaraan kung saan tinalo niya ang grupong ito. Talagang ina­lagaan namin itong kabayong ito at ngayong 3-year-old lang namin siya itinakbo,” sabi ng owner na si Jun Almeda na tumanggap ng tropeo mula sa mga opis­yales ng PCSO.

Naorasan ng 1:24 sa distansiyang 1,400 meters si Golden Kingdom na sinakyan ni jockey Kelvin Abobo.

Nasegundo ang dehadong si Daijobo San na big­lang naupos habang nasa unahan ilang metro na lang ang layo sa finish line. Nakopo ng owner nitong si dating Cong. Amado Bagatsing ang runner-up prize na P225,000. Tersero si Mandatum na pag-aari ni Hermie Esguerra na kumuha ng P125,000.

Nagsipagtapos sa karerang ito sina Kapayapaan, Valkyrie, Pagkakataon, Gintong Lawin, Himig at El Camino Real.