Iinaasahang daragsa ang mga woodpusher sa 35th Golden Mind Open and Kiddies Chess Tournament sa Pebrero 3 sa EBR Building, P. Torres St. tapat ng Lipa City Public Market Parking Building sa Lipa City.

Nakalaan sa magkakampeon sa Open division ang P5,000 plus trophy habang ang second hanggang fifth placer ay tatangap ng P3,000 plus medal, P1,000 plus medal, P700 plus medal at P500 plus medal, ayon sa pagkakasunod.
Ang top five sa Kiddies division ay kikita ng P4,000, P2,000, P1,000, P700 at P500, ayon sa pagkakahilera.
Bukas ang nasabing one-day event sa lahat ng manlalaro, anuman ang edad at kasarian.

May tournament registration fee na P350 para sa Open division habang sa kiddies category ay P300 para sa member at P400 sa non-member.