GOLDEN TICKET KAY MOLINA

Si Frances Molina ng Petron ang pang-anim na miyembro ng Philippine Superliga team na sasabak sa FIVB Women’s Club World Championship sa Mall of Asia Arena sa Oct. 18-23.

Binigay nina PSL president Ramon Suzara at training director Sammy Acaylar ang golden ticket kay Molina bago ang match ng F2 Logistics at RC Cola-Army nitong Linggo sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Dati nang sumabak ang malakas na open hitter na si Molina, 21, sa 2015 AVC Asian Wo­men’s Club Championship, at sa Thai-Denmark Super League sa Bangkok ngayong taon.

Bahagi siya ng Tri-Activ Spikers squad na naglista ng 13-0 sweep sa PSL All-Filipino Confe­rence noong isang taon.

“We chose her for her power and ability to handle pressure,” ani Suzara. “More than anything else, she’s only 21. She still has a lot of good years ahead of her, especially if she can gain good exposure in a prestigious tournament such as the FIVB World CWC.”

Welcome kay Molina ang pagkakasali sa team, bagama’t sinabi niyang hindi niya inaasa­han lalo’t galing pa siya sa shoulder injury.

“Although this came as a surprise, I am so honored to be part of the team,” wika ni Molina.

“I am looking forward to test my skills and ta­lent against the best teams in the world and, at the same time, learn more from our foreign teammates and coaches.”

Nasa squad na sina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army, Kim Fajardo ng F2 Logistics, Jen Reyes ng Petron at Jaja Santiago ng F2 Logistics.

Sasagupain nila ang Rexona Ades ng Brazil, Pomi Casalmaggiore ng I­taly, Hisamitsu Springs ng Japan, Bangkok Glass ng Thailand, Volero Zurich ng Switzerland at VakifBank at Eczacibasi Vitra ng Turkey.