
Tamis-tamisan ang dating mag-sweetheart na Sharon Cuneta at Richard Gomez sa media launch ng reunion movie nila na “Three Words to Forever.”
Kinilig ang mga fan na nasa loob ng Dolphy Theater sa sinabi ni Richard na ang love nila ni Sharon sa isa’t isa ay hindi na mawawala at mananatili forever.
Pagkasabi nu’n ni Goma ay inilapit ni Sharon ang mukha nito, tapos ay hinalikan ito sa noo ng dating nobyo. Tilian ang mga fan sa sweet moments ng ShaGoms.
Sey naman ni Sharon, grabe ang pinagsamahan nila ni Goma at grabe ang tiniis niya rito noon.
Twice or thrice lang daw sila nagtaasan ng boses. Good person naman daw kasi si Goma, so mapapatawad mo ito. At saka sobra rin daw kasi kung mahalin siya nito.
“Lahat ng natiis ko sa kanya, hindi ko titiisin kahit kalahati nu’n sa sinumang nauna sa kanya o sinumang after niya. Hindi ko natiis ‘yon, sa kanya lang,” ang bonggang linya ng Megastar patungkol sa butihing Mayor ng Ormoc City.
Ani Shawie, sa lalim ng pinagsamahan nila, ilang taon man ang dumaan, that love will stay forever but it’s just different now.
Happy raw siya na si Goma ay meron nang Lucy Torres at Juliana Gomez. Alam niya raw na magiging successful ito dahil bata pa sila ay masinop na si Goma, na dati ay naka-L300 van lang, pero ngayon ay sa Forbes Park na nakatira.
Inamin din ni Sharon na natakot siya nu’ng una sa balik-tambalan nilang ito kasi hindi na raw niya kilala si Goma.
Ninerbiyos at umiyak siya kay Direk Olive Lamasan ng Star Cinema dahil hindi na si Goma ‘yung dating Goma na kilala niya.
Pagdating sa Ormoc ay nalungkot at na-senti si Mega dahil hindi niya raw alam what to expect. First time niya roon at wala siyang kilala, pero in the end daw, it turned out to be a beautiful movie.
Dugtong pa ni Sharon, ang akala ng marami ay 1 year lang ang naging relasyon nila noon ni Goma, pero ang totoo ay nasa 5 to 6 years daw sila na on and off.
At that time ay sowing wild oats pa raw si Goma at siya naman ang patient girlfriend. Kinorek siya ni Goma na hindi ito wild nu’ng mga panahong ‘yon kundi super-wild.
15 years ago na ang last movie ng ShaGoms na “Walang Kapalit.”
Malaking pride for Mayor Richard na sa Ormoc sila nag-shoot ng pelikula dahil naipakita rito ang ganda ng kanyang siyudad.
Kaya doon sila nag-shoot ay dahil sinabi ni Goms sa Star Cinema na gustong-gusto niyang gawin ang project, pero magagawa lang niya ito kung sa Ormoc sila dahil may trabaho siya roon bilang full-time mayor ng city.
Sa November 28 ang showing ng “Three Words to Forever” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.
***
Kathryn tumili sa sorpresa ni Daniel
Ang weird ng pakiramdam ni Kathryn Bernardo na hindi niya kasama si Daniel Padilla sa ShaGoms movie na “Three Words to Forever.”
Big adjustment daw ito para kay Kath dahil sa 6 or 7 years ay kasama niya si Daniel palagi sa trabaho.
This time, pagpunta niya sa set nila ay wala si DJ. So, nanibago raw talaga siya.
Pero nang in-offer sa kanya ang Sharon-Richard project, nang marinig niya ang story ang gustong-gusto talaga itong gawin ni Kath.
Gusto niya raw kasing i-represent ang youth at ang boses ng mga anak. Sa first few shooting days nila ay nangangapa pa sila, but after a week ay okey na raw sila.
Pakli pa ni Kath, nakatulong niya si Daniel at hindi nagkulang ng suporta sa kanya sa movie na ito.
Si DJ pa raw ang kumausap kay Tommy Esguerra na kapareha niya sa movie.
Napasigaw si Kath sa tuwa nang sorpresa siyang dalawin ni DJ sa set ng pelikula. Ang tagal daw kasi nilang hindi nakita at parang na-recharge siya nang makita niya ang kanyang boyfie at ready na ulit siyang magtrabaho.
Sundot ni Ms. Shawie, nang tumalon si Kath kay DJ ay muntik siyang sumali rito.
Sa “Three Words to Forever” ay nagbabalak sina Kath at Tommy na magpakasal. Sa totoong buhay ay hindi pa raw ready si Kath na magpakasal kay DJ.
Ang sabi ng 22-anyos na dalaga, iba-iba ang age na puwedeng maging ready for marriage. Ibang level daw kasi ang kasal kesa sa mag-boyfriend-girlfriend lang.
Ani Kath, mararamdaman mo ‘yon kung ready ka nang mag-jump sa kasal. Sa kanya ay not so soon dahil too early pa raw. At saka hindi raw dapat minanadali ang bagay na ‘yon.
Panalo ang quotable quote ni Kath na, “I’m the happiest when I’m with DJ!”
Hindi lang daw kasi ito boyfriend, kaibigan niya rin ito na sinasabihan niya ng lahat.
Nakangiting dayalog pa ni Kath, ang sarap ngayon mag-share ng lahat mula nang aminin nila ni DJ ang status nila last time sa presscon ng highest-grossing movie nila na “The Hows of Us.”