Gong Yoo ayaw sa Twitter, Instagram

IF it’s meant to be, it’s meant to be. Ganito ang nangyari sa Korean actor na si Gong Yoo kunsaan, ilang beses niyang tinanggihang gawin ang Korean fantasy-drama na Goblin. Si Gong Yoo ay si Gong Ji-chul na unang nakilala sa The Coffee Prince (2007).

Good thing that after his military enlistment from January 2008 to December 2009, hindi man naging hit ang mga naging comeback projects niya, na-experience niyang muli ang popularity nang finally tanggapin na niya ang Goblin kunsaan, isa sa mga hit Korean drama last year.

Nanalo rin si Gong Yoo ng award bilang Best Actor sa Baeksang Awards sa kanyang performance bilang isang goblin. Pero bago ang Goblin, ang pelikulang Train to Busan din ang nag-pave way for his newly restored popularity.

Sa Pilipinas, isa si Gong Yoo sa kilalang-kilala ng mga Pinoy mula pa sa The Coffee Prince. Nag-hit din sa mga Pinoy ang Train to Busan at ang Goblin. Isa ang Viva actress na si Anne Curtis sa masasabing tagahanga ni Gong Yoo.

Sa interview ni Gong Yoo sa CNN, inamin nitong talagang pinipili niya ang mga projects na tinatanggap.

Aniya, “I am someone who likes creativity. I tend to pick projects that give me a sense of freshness. So my filmography, especially after hitting my 30s, has become a lot more diverse.”

Mas gusto raw niya na ang mga projects na ginagawa niya ay ‘yung mas nakikilala ang South Korea internationally.

At isa rin si Gong Yoo sa mga Korean stars na walang social media life. He never does Twitter, Instagram. Aniya,“Twitter, Ins­tagram, I don’t do it all.”

Sabi pa niya, “When I become a character in a movie or drama… I can think about the character only and not the complicated matters of my own life. I feel ecstasy in those moments and it’s what keeps me going as an actor. It’s not about the money, it’s not about the honor.”

Sa ngayon, wala pa ring bagong project na ginagawa ang actor kahit marami na sa mga fans niya ang nag-aabang ng follow-up niya sa Goblin. Bukod sa ilang endorsements, mas madalas si Gong Yoo sa kanyang bahay sa Jeju Island.