Gonzaga kumamada sa Cignal

Gonzaga kumamada sa Cignal

Maganda ang pagbabalik ni veteran Jovelyn Gonzaga makaraang manalo ng Cignal kontra Sta. Lucia, 25-27, 25-22, 25-10, 25-21 Martes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference prelims sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Natisod sa unang set, hinarurot ng HD Spikers ang tatlong natitirang frames para sa magarang binyag sa midseason conference.

Katuwang ni Gonzaga sina Rachel Anne Daquis at Aldhi Robins-Hardy sa Cignal na pinalasap sa Lady Realtors ang pangatlong talo sa apat nalaro.

Naitabla ng Cignal HD Spikers sa tig-isang set pero pahirapang makuha ang panalo sa set two. Kapit ng HD Spikers ang seven-point lead 18-11 sa second frame subalit naitabla ito ng Lady Realtors sa 21-all.

Pero ‘di nasiraan ng loob ang Cignal, humataw ang HD Spikers ng tatlong sunod na puntos kasama ang tig-isang kill at block ni Daquis para makuha muli ang bentahe 24-21.

Umiskor muna ang Sta. Lucia bago tinapos ng nagbabalik laro na si Gonzaga ng isang malutong na palo. Lalong ginanahan ang HD Spikers sa third set tapos nilang tambakan ang Lady Realtors para hawakan ang 2-1 set advantage. (Elech Dawa)